Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine at Raymart tuloy pa rin ang legal battle sa korte (Magkasama man lumabas with their kids…)

ni Peter Ledesma

PORKE’T nakita lang na magkasamang kumain at lumabas ang ex-showbiz couple na sina Claudine Barretto at Raymart kasama ng kanilang mga anak na sina Santino at Sabina.

Isip agad ng publiko, nagkabalikan na ang dalawa at wala nang problema sa pagitan nilang dalawa. Na-interview si Clau ng ABS-CBN.com ukol sa lumabas na larawan nilang pamilya at narito ang maikling statement ng actress, “We may have failed as husband and wife but we will strive to be good parents for the sake of our childen.”

Malinaw na ‘yung paglabas nilang ‘yun at pag-

kikita nilang muli ni Raymart ay para sa kapakanan at kasiyahan lang ng kanilang mga anak maliban pa roon ay wala na. Kaya’t huwag nang mag-ilusyon ang iba d’yan na magkakabalikan pa ang dalawa dahil, malabo na itong mangyari. Una ay nagsalita na si Clau, na kanya nang isinasara ang pinto at puso kay Raymart at hindi na niya mahal ang actor.

Siyempre hindi natin masisisi ang actress kung ganyan ang mararamdaman niya lalo’t sobra nga siyang nasaktan sa mga pananakit at paninira sa kanya ng ama ng mga anak. Kaya kahit nag-uusap na uli ang mag-asawa, tuloy pa rin ang legal battle nila sa korte kaugnay ng mga kasong isinampa ng bawat isa.

Samantala ayaw naman magbigay ng komento ang kaibigan at legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, na aming labs at Bff rin. Pero inirerespeto naman daw niya ang pakikipagkita ni Clau kay Raymart dahil alam naman niya na para ito sa kanilang kids.

Inilinaw rin ni Atty. Topacio na ‘yung custody case na isinampa nila ni Claudine laban kay Raymart ay hindi pa tapos at patuloy pa rin dinirinig sa korte. So malinaw na for the sake of their kids kaya nagkita uli ang dating mag-asawa.

Never the less wala na gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …