INAGAW ng al-Qaida breakaway group ang northeastern Syria at malaking bahagi ng Iraq para pormal na ideklara ang pagta-tag ng bagong Islamic state at paghingi ng katapatan mula sa lahat ng mga Muslim sa buong mundo.
Sa pag-agaw ng nasabing mga teritor-yo ay nagawang burahin ng Sunni extre-mist group ang hangganan sa pagitan ng Iraq at Syria at inilatag nila ang pundas-yon ng isang proto-state. Gayon pa man, ang deklarasyon, na isinagawa sa unang araw ng Muslim holy month ng Ramadhan, ay maaaring magbunsod ng infighting sa hanay ng mga Sunni militant faction na bumuo ng alyansa sa pagsa-ksop ng ilang bahagi ng Iraq at Syria. Maaari rin itong magkaroon ng matinding impact sa pandaigdigang jihadist movement, partikular na sa hinaharap ng al-Qaida.
Ayon sa tagapagsalita para sa Islamic State ng Iraq at ng Levant, idineklara ang pinuno ng grupo na si Abu Bakr al-Baghdadi bilang lider ng bagong caliphate, o Islamic state, at nanawagan sa lahat ng mga Muslim sa lahat ng panig ng daigdig at hindi lamang sa nasasakupan na sumumpa ng katapatan at pagsuporta kay al-Baghdadi.
“Balewala na ang legalidad ng lahat ng mga emirate, grupo, estado at orga-nisasyon sa pagpapalawig ng kapangyarihan ng caliph at ang pagdating ng mga tropa nito sa aming nasasakupan,” paha-yag ng spokesman na si Abu Mohammed al-Adnani. “Makinig sa inyong caliph at sundin siya. Suportahan ang inyong sari-ling bansa, na lumalago araw-araw.”
Tinukoy ni Al-Adnani ang teritoryo ng bagong Islamic state bilang ang kahabaan mula northern Syria hanggang sa Iraqi province ng Di-yala. Sinabi rin niya na sa pagkakatatag ng caliphate, pinalitan na rin ng grupo ang pangalan nito bilang simpleng Islamic State, at hindi na mababanggit pa ang Iraq at ang Levant.
Itinatag ni Arab billionaire Osama bin Laden, tinupad ng grupo ang September 11 attack sa Estados Unidos at patuloy na inako ang international jihadi cause. Su-balit ang pinakamahalagang nagawa ng Islamic State na hindi nagawa ng al-Qaida ay makapagtatag ng malaking teritoryo sa gitna ng Arab world bilang sariling bansa.
Kinalap ni Tracy Cabrera