ni Dominic Rea
PINUNO ni Daniel Padilla ang buong Leyte Sports Development Center (Grandstand) ng Tacloban City last Saturday, June 28 para sa kanyang isang pasasalamat concert titled Pusong Waray. Seven pa ng gabi naka-sked ang umpisa ng event pero 4:00 p.m.pa lang ay halos wala ka nang madaanan sa kapal ng taong papasok at palabas ng venue na ikinaloka namin sa totoo lang.
Kahit sa Granda Manor Hotel na roon kami nag-stay for three days ay napuno rin ang labas nito sa rami ng fans na nagtiyagang nag-abang sa Teen King na si Daniel. Bawat dungaw ni Daniel sa bintana ng kanyang kuwarto ay hiyawan at tilian ang nangyayari.
Ayon sa owner ng Granda Manor, napakarami ng artistang tumuloy sa kanilang hotel pero never daw nilang na-experience ang ganoong eksena na may natutulog pang fans sa labas ng hotel makita lang si Daniel.
Nais lang naming pasalamatan ang MyPhone, Granda Manor Hotel, Sangkay-Tacloban, at ang aming buong DJP Team na siyang nagsimula at nagtapos sa very successful event na ito. Salamat Taclobanos.