ni Ed de Leon
CLOSED daw muna ang heart ni Alex Gonzaga sa ngayon dahil ayaw na niyang masaktan pang muli. Iyan ang sinabi niya kahit na umamin mismo ang kanyang co-star sa bago niyang seryeng Pure Heart na si Arjo Atayde na matagal na siyang may crush sa leading lady. Pero si Arjo naman daw, nakahandang maghintay kung kailan muling mabubuksan ang puso ni Alex.Pero tama sila pareho eh. Bago buksan ang puso, isipin muna ang kalalabasan ng kanilang seryeng Pure Love, dahil ang papalitan nilang serye ay mataas din ang ratings. Iyon nga lang, hindi rin naman maikakaila na ang mga artista ng papalitan nilang serye ay mas malalaki kaysa nasa cast ng kanilang Pure Love.
Pero siguro naman sila pa rin ang panalo, dahil ang makakatapat nila ay re-run lamang ng isang Korea telenovela na napanood na ng mga tao noong araw pa. At least iyang Pure Love ay adaptation ng isang Korea novela, hindi isang re-run. At least mas may effort naman at makikita mong naroroon ang sincere desire na magbigay ng magandang panoorin sa publiko.