Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagmamagandang ending ng Beki Boxer sa Biyernes na! (Alwyn Uytingco, maglaladlad na sa national television…)

ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYANG-MASAYA si Alwyn Uytingco sa blessing na hatid sa kanya ng drama-comedy series naBeki Boxer. Bilang flagship program ng  Kapatid Network nitong nagdaang mga buwan, pansin na pansin ng lahat ang buhos na suporta ng TV5 hindi lamang sa programa kundi na rin kay Alwyn mismo.

Mula nga ng umere ang Beki Boxer last March ay naging abala na si Alwyn sa sunod-sunod na mga project at promotions sa iba’t ibang parte ng bansa at sa nalalapit na “Nagmamagandang Ending” ngBeki Boxer  ngayong Biyernes (Hulyo 4), aminado si Alwyn na hindi niya makakalimutan ang proyektong ito.

“Sobrang laking pasasalamat ko po sa Diyos gayundin  sa TV5 sa pagbibigay sa akin ng lead role sa ‘Beki Boxer’. Sunod-sunod po talaga ‘yung blessings na hatid sa akin ng programa,” pahayag ni Alwyn na gumaganap din bilang Wendell sa love mystery dramang JASMINE at regular na napapanood sa Saturday gag show ng TV5 na Tropa Mo Ko Unli.

Samantala, matapos manalo ni Rocky Ponciano (Alwyn ) sa kanilang laban ng kanyang love interest / best friend na si Atong (Vin Abrenica) ay tuloy na tuloy na ang pagsikat nito sa buong Pilipinas. Ngunit kuwento mismo ni Alwyn, marami pang mga dapat abangan ang mga manonood sa huling linggo ng dramedy series.

“Ay nagmamagandang ending talaga!” sabi ni Alwyn. “Dapat nilang tutukan ‘yung mga laban ni Rocky. Kasi mabubuko na Beki Boxer nga ang lola mo. Eh may international fight pa siya against ‘yung kay Chameleon na international boxer. So maeeskandalo ngayon siya. Dapat nilang malaman kung maglaladlad ba siya, matatanggap ba siya ng pamilya niya, at saka kung matutuloy ba ‘yung laban niya.”

Kakalat kasi ang isang video na magiging dahilan para malaman ng buong bansa na beki si Rocky. Kasabay ito ng kanyang nalalapit niyang laban sa Chinese boxer na si Chameleon na gagampanan naman ng totoong Hong-Kong professional boxer na si Rex Tso.

Matutuloy ba ang laban ni Rocky at ni Chameleon? Ano ang magiging reaksiyon ng bansa gayong beki pala ang ating kampeon? Matatanggap ba siya ng kanyang pamilya? Paano ang lovelife ni Rocky – magkakatuluyan ba sila ni Atong?

Bukod kina Alwyn at Vin ay kasama rin sina Christian Vasquez, Cholo Barretto, Onyok Velasco, Joross Gamboa, John Regala, Claire Hartell, Kristel Moreno, Bekimon, Danita Paner, at Candy Pangilinan sa mga naglalakihang bituin na bumubuo ng Beki Boxer. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ninaDirek Jade Castro at Direk Monti Parungao, at sa pamamahala nina Joann C. Banaga, Jana Manalaysay, Roselle Lorenzo, Nelson Alindogan, at Ms. Wilma V. Galvante.

Huwag palampasin ang Nagmamagandang Ending ng Beki Boxer ngayong Hulyo 4 na, 7:00 p.m. pagkatapos ang Aksyon sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …