Friday , November 22 2024

‘Martial law’ sa Davao (Bunsod ng terror threat)

DAVAO CITY – Aminado si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mistulang martial ang seguridad na ipinatutupad sa lungsod ng Davao upang masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa mga terorista.

Kung maalala, naging biktima ang Davao noon ng terorismo na nagresulta sa pagkamatay ng maraming mga residente, kaya ayon sa alkalde, hindi niya papayagan na muli itong mangyari sa lungsod.

Hinihingi rin ng mayor ang pang-unawa ng publiko lalo na kung may checkpoint dahil para lamang aniya ito sa kaligtasan ng lahat.

Ayon kay Mayor Duterte, malaki o maliit man ang posibilidad na makapasok ang mga terorista sa isang lugar, kailangan pa rin ang 100 porsiyento na pagpapatupad nang mahigpit na security precautions.

Habang kontento ang opisyal sa ipinakitang performance ng Davao City Police Office at Task Force Davao sa pagmo-monitor sa lungsod.

Palasyo aminado
TERROR THREAT SA DAVAO ‘DI PA KOMPIRMADO

INAMIN ng Palasyo na hindi pa kompirmado ang bantang terorismo na itinimbre ni Pangulong Benigno Aquino III kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte noong nakaraang Biyernes.

Ni hindi maipaliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kung gaano kaseryoso ang terror threat na tinukoy ni Pangulong Aquino na nakaamba sa Davao City dahil inaalam pa lang ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Si…I just spoke to…Sorry, I don’t have firsthand information here but I just spoke to Colonel Demi Zagala. They are validating the threat,” ani Lacierda.

Tinawag ni Lacierda na “proactive stance” ang pagsisiguro ng AFP-Eastern Mindano Command (Eastmincom) sa mga lugar sa paligid ng Davao City, bagama’t limitado lang sa lungsod ang  ”terror threat information”

Desisyon aniya ni Duterte ang pagsasapubliko ng impormasyong ibinigay sa kanya ng Pangulo.

Itinanggi ng kalihim na may isyu na gustong pagtakpan ang Palasyo kaya pinalutang ang isyu ng terror threat sa Davao City at wala rin namo-monitor na destabilisasyon laban sa administrasyong Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *