Tuesday , November 5 2024

Felipe Mendoza De Leon ng NCCA, sinisi ang media (Sa pagpipilit na maging national artist si Nora)

ni Ed de Leon

WALA naman daw palang objections talaga ang CCP at NCCA sa pagkakalaglag ni Nora Aunor sa idineklarang national artists, sabi ni Secretary Edwin Lacierda. Kasabay niyon ibinigay nila sa mga Malacanang reporter ang sulat ni Felipe Mendoza de Leon ng NCCA na nagsasabing siya o sino man sa NCCA, at sa CCP ay hindi tumututol sa desisyon ng pangulo sa national artists. Ikinatutuwa pa raw nila at may bago ng mga national artist. Media lang daw ang nagpalala ng usapan, at kino-quote raw siya sa mga bagay na hindi niya sinabi. Media lang pala ang may kasalanan.

Ito ang talagang napakarami kong laugh, siguro mga 82. Paanong nasabi ni Felipe de Leon na mali ng quotation sa kanya ng media eh nakikita sa video sa telebisyon kung ano mismo ang kanyang sinasabi. Hindi ba’t noong una pa ay nanggagalaiti siya na sinasabi niyang kailangang ipaliwanag sa kanila ng presidente kung bakit nalaglag si Nora?

Hindi ba’t pati ang kanilang legal counsel na si Trixie Angeles ay nagsabing bagamat walang nilabag na batas o anumang jurisprudence si PNoy sa kanyang ginawang deklarasyon ng national artist, hindi raw dapat nagkaroon ng controversy kung hiningi lang ang advice ng NCCA. Bakit kailangang hingin ng presidente ang kanilang advice?

Kung iisipin mo, iyang NCCA na iyan at iyang CCP na iyan ang sumira sa protocol. Kasi iyong kanilang rekomendasyon sa mga national artist, dapat iyan confidential, pero sino ba ang nagladlad na inirekomenda nila si Nora? Hindi nila binabanggit ang pangalan ni Alice Reyes, o ni Francisco Coching, o ni Ramon Santos na inilaglag noon ni Gloria Macapagal at ngayon nga lang naideklara. Ang matunog lang ay inirekomenda nila si Nora. Sino ngayon ang sumira sa protocol? Tapos ang sisisihin media? Felipe Mendoza de Leon, rebisahin mo nga muna ang ginagawa ng mga tauhan mo.

Bakit hihingi pa ng advice ang presidente sa NCCA matapos na ang rekomendasyon nila ay ma-review rin ng awards committee ng Malacanang, eh sila nga iyong mukhang nakalimot na iyang deklarasyong iyan ay sole prerogative ng presidente at wala silang pakialam maliban sa gumawa ng rekomendasyon. Iyan ba ang magbibigay ng advice. Tapos ngayon ang sisisihin media?

About hataw tabloid

Check Also

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABILni John Fontanilla MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend …

GMA 7

Eskandalo sa ilang GMA artists sunod-sunod 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN sa ilang seryosong blogs ang umano’y pagiging mas relevant daw …

Ellen Adarna Derek Ramsay Elias Baby

Binyag sa baby girl nina Derek at Ellen paghahandaan na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus CONGRATULATIONS naman ang ating pagbati kina Ellen Adarna at papa Derek Ramsay dahil mayroon ng …

Annabelle Rama Ruffa Gutierrez Herbert Bautista Richard Gutierrez Barbie Imperial

Kumpirmado: Herbert at Barbie present sa birthday ni Annabelle

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WELL, it’s out in the open. Kung pagbabasehan natin ang naging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *