MAGTATAPOS na pala ang Dyesebel, ito ang napag-alaman namin mula sa isang Dreamscape insider.
Bale sinabi ng aming source na huling tatlong linggo na lang sa ere ang Dyesebel simula ngayong Lunes. Ito raw ay mula rin sa desisyon ng ABS-CBN management.
Marami ang nagtataka kung bakit tatapusin na ang Dyesebel gayung mataas naman ang ratings nito.
“Yes, ‘Dyesebel’ is nearing its finale but soaring high in ratings,” sabi ng kausap namin.
“‘Dyesebel’ maintained its excellent performance from day one. And has remained a top rating teleserye in Primetime.”
Ayon pa sa aming source, “Although the show is doing good, averaging 30%, hanggang doon na lang talaga ang story. ‘Pag in-extend pa, lalaylay na.
“We never said anything kung ilang weeks sa ere ang Dyesebel. But based doon sa story, hanggang doon na lang talaga!”
Oo nga naman kung pipilitin pang i-extend ang Dyesebel papangit na ang takbo ng istorya nito.
Tama lang ang ginawa ng Dreamscape about Dyesebel. Hindi na nila in-stretch ang run na usually ay nagiging dahilan ng paglaylay ng takbo ng teleserye.
Hindi bale nang matapos at least, with only three weeks sa ere, Anne Curtis, Gerald Anderson, Sam Milby, Dawn Zulueta, Andi Eigenmann, Ai Ai delas Alas, Zsa Zsa Padilla, can claim na consistent sila sa pagiging number one hanggang sa finale nito.
Congrats, Team Dyesebel and Dreamscape.