Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bong, bakit naghain pa ng mosyon na humihiling na sa camp crame na lang idetine? (Sa madalas na pagsasabing handang magpakulong kahit saan)

ni Ronnie Carrasco III

ALLOW us to backtrack sa ilang kaganapan bago ang voluntary submission niSenator Bong Revilla Jr. noong Biyernes sa Sandiganbayan.

Huwebes, June 19, nang may isang  reporter ng ABS-CBN ang tumawag saStartalk na bandang alas tres daw ng hapon ay aarestuhin na ang mambabatas. That precise moment ay wala palang kaide-idea si Bong about the impending arrest na ng mga sandaling ‘yon na may meeting daw sa isang resto sa Tomas Morato, Quezon City.

Startalk then relayed the tip to Bong’s camp that later confirmed the report.

It wasn’t until noon nang magkaroon na ng mass gathering sa tahanan ng mga Revilla sa Imus, Cavite. ‘Ika nga, it was both a show of force and of support para sa dadakping senador who, at that time, ay wala naman doon.

Sa paglalarawan ng Startalk sa atmosphere that pervaded the Revilla residence, ang inaasahan sanang moment na punumpuno ng mga emosyon was one of quaint, peculiar calm. In short, kalmado ang mga kaanak ni Bong—mula sa kanyang maybahay na si Congresswoman Lani Mercado, Vice Governor Jolo, Bryan, at Luigi—pero naroon sa kanilang mga mukha ang kahandaan for any eventuality.

Tulad ng alam ng lahat, the arrest warrant was not served dahil hindi pa ‘yon pirmado ni First Division Justice Efren de la Cruz.

Moments later, nasa TV na si Bong—flunked by his wife—holding a press conference in Bacoor, Cavite. In a sense, it was his “third” privilege speech, ‘yun nga lang, outside the august halls of the Senate.

Maliwanag ang mensahe ni Bong na patungkol sa kasalukuyang administrasyon, but of all the points he clearly raised, what struck us the most ay ang pahayag na okey lang sa kanya kahit siya ikulong. We repeat, okey lang sa kanya wherever he may be detained.

Kinabukasan, June 20, clad in white polo shirt ay mismong si Bong na ang nagsadya sa Sandiganbayan.  His show-up was termed as voluntary submission. Kung bakit hindi voluntary surrender ang tawag doon, only the legal experts would know.

Mula sa Sandiganbayan hanggang maidala sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ay sumailaim sa maraming proseso si Bong—from fingerprinting, taking of his mugshots (mula tenga hanggang tenga ang kanyang mga ngiti), medical examination hanggang sa pahintulutan siya ng korte na magkaroon ng family time.

Payapa naman ang naging kaganapan noong Biyernes whose news coverage lalo ang 24 Oras ng GMA na more 50% yata ang laman tungkol kay Bong.

Backtrack lang kami sa ilan sa mga pahayag ni Bong sa idinaos na presscon noong Huwebes, and we quote: ”Sa pamahalaang Aquino, Mr. President, handa po akong magpakulong kahit saan n’yo ako ikulong dahil ako ay naniniwala na wala akong kasalanan at hindi po ako natatakot Ginoong Pangulo kahit saan pa po makarating ang laban na ito, ipaglalaban ko ang aking karapatan,” unquote.

If that was so, bakit may inihaing mosyon si Bong sa Sandiganbayan na humihiling na siya’y idetine sa Camp Crame? Just asking.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …