KINILALA na ng Manila Police District (MPD) ang dalawa sa 11 estud-yante ng De La Salle University na sangkot sa madugong hazing na ikinamatay ng 18-anyos na si Guillo Cesar Servando, sophomore sa College of St. Benilde ng DLSU.
Tinukoy ni MPD director, Chief Supt. Rolando Asuncion ang dalawang suspek na sina Trext Garcia at Hans Tamaring, pawang es-tudyante ng DLSU.
Sa press conference, itinuwid din ni Asuncion ang naunang ulat na AKRHO o Alpha Kappa Rho, isang UST-based fraternity, ang nasa likod ng hazing.
Dagdag niya, ito aniya ay upang ilayo sa tunay na nangyari ang nasabing kahindik-hindik na krimen at upang mapangalagaan ang mga biktima.
Sinabi ni Asuncion, isa sa mga biktima ang umamin na sila ay ni-recruit at sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi, isang fraternity na nakabase sa DLSU.
Tinutunton na rin aniya ng mga pulis kung saan isinagawa ang ha-zing.
Nabatid din sa opis-yal na ang grupo ng mga biktima at mga suspek ay sumakay lamang sa dalawang taxi patungo sa condo unit ni John Paul Raval.
Hinala ni Asuncion, malapit lamang sa condo unit ni Raval ang pinangyarihan ng insidente dahil pumatak lamang sa P50.00 ang taxi fare ng grupo, ayon aniya sa nakalap nilang impormasyon.
Kahapon, ipinakita sa media ng homicide investigators ang nakuhang footage mula sa closed circuit television (CCTV) camera kaugnay sa pagdating ng grupo sa One Archer’s Place na tinutuluyan ni Raval, anak ni retired General Manuel Raval.
Makikita sa footage na si Servando ay buhay pa ngunit hindi na maka-gulapay paglabas sa elevator ng ika-29 palapag na kinalalagyan ng unit ni Raval dakong 9:30 p.m. nitong Sabado.
Ang biktima ay hinila na lamang ng tatlong lalaki dahil may kalakihan ang katawan ngunit hindi nakita kung nakatuloy pa sila sa mismong unit ni Raval sa condo.
Samantala, ang tatlong biktima na sina Raval, Levin Roland Flores, at Lorenze Agustin ay inilabas na ng kanilang mga magulang mula sa Philippine General Hospital at dinala sa ibang pagamutan.
Tumanggi muna ang pulisya na isapubliko ang mga ospital na pinagdalhan sa mga biktima.
Samantala, ayon sa source, hinihinalang sa loob mismo ng campus ng La Salle naganap ang initiation rites ng nasabing grupo.
ni LEONARD BASILIO