Tuesday , November 5 2024

Piyansa pabor sa Pork Senators posible (Agenda dapat igiit ng prosekusyon)

NANGANGANIB na hindi ma-convict sa kasong plunder at maaaring mapalaya pa ang ilang senador na kinasuhan kaugnay ng pagkakasangkot sa multi-billion peso pork scam.

Ayon kay dating Special Prosecutor Dennis Villa Ignacio, lumalabas na nagkamali ang Ombudsman sa inihaing information sa Sandiganbayan laban kina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile at Janet Lim-Napoles.

Magugunitang naghain ng amended case ang Ombudsman laban kay Revilla ngunit ibinasura ito ng Sandiganbayan, habang hindi na rin itinuloy ang paghain ng amended case laban kina Enrile at Estrada.

Ayon kay Villa Ignacio, pinamunuan ang government prosecutors nang ma-convict si dating Pangulong Joseph Estrada sa kasong plunder, malaki ang posibilidad na makapagpiyansa sina Estrada at Revilla dahil mali ang pagsampa ng kaso.

“In the maintime, ang posibility na ma-release ang bail malaki dahil ‘yun na nga mali ang charge sheet,” ani Ignacio.

Lumalabas aniyang napunta kay Napoles ang kasong plunder sa pagiging utak ng pork barrel scam, na isang private individual, habang hindi nakasentro sa mga senador ang asunto na sila ang public official.

“Dapat gamitin nila ang lengwahe ng batas at bakit sila umurong,” dagdag ni Ignacio.

Pangamba ni Ignacio, kung hindi ipagpupumilit ng prosekusyon na maamyendahan ang kaso ay mahihirapan ang Ombudsman na ma-convict ang mga akusado sa Sandiganbayan.

Aminado ang dating special prosecutor na malakas sana ang kaso dahil may ebidensya tulad ng paper trail at testigo ngunit ang problema ay mali ang legal strategy.

Dahil dito pinayuhan ni Ignacio ang panig ng prosekusyon na dumulog sa Korte Suprema kaugnay ng nabasurang amended case at humingi ng break para pag-usapan ng legal team ang estratehiya ng pagsulong ng kaso laban sa mga akusado.

Mistulang napahiya rin aniya ang Ombudsman sa taong bayan dahil sa kabila ng pangangalandakan na malakas ang kaso laban sa mga sangkot sa pork barrel scam, ngayon ay nagkukumahog silang ayusin ang nagkamaling impormasyon na inihain sa Sandiganbayan.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *