Monday , December 23 2024

Ordanes maaari nang umupong mayor sa Aliaga -Cabanatuan judge

IPINAG-UUTOS na ang pagupo bilang alkalde ni Reynaldo Ordanes sa munisipalidad ng Aliaga, Nueva Ecija ni Cabanatuan Regional Trial Court Judge Virgilio Caballero sa pamamagitan ng inilabas na order nitong Hunyo 19.

Naglabas si Caballero ng Writ of Execution order matapos ideklarang tunay na nanalong mayor ng munisipalidad ng Aliaga, Nueva Ecija si Ordanes sa nakaraang eleksiyon matapos ang masusing pagdinig sa protestang inihain ng kampo laban sa kwestiyonableng pagkapanalo ni Elizabeth Vargas.

Kinatigan ni Caballero ang protestang inihain ng kampo ni Ordones na nagtulak ng ‘recount’ o muling pagbilang ng mga boto.

Lumalabas na noong 2013 naideklara si Vargas na may botong 11,477 samantala si Ordanes ay nagkamit ng 11,413 boto na nagbigay ng panalo kay Vargas na may lamang na 64 boto.

Ngunit sa isinagawang “recount” nakita sa 13 “clustered precincts,” si Vargas ay dapat bawasan ng tatlong boto dahilan upang mabawasan ang 64 lamang na boto kaya’t naging 61 na lamang laban kay Ordanes.

Dagdag ni Caballero, 72 boto ay dapat din ibilang kay Ordanes na may 11,413 na kung susumahin ay dapat maging 11,485 at kung isasama pa ang tatlong botong ibinawas kay Vargas lumalabas na labing-isang (11) boto ang magiging lamang ni Ordanes sa katunggali.

Idineklara ni Caballero noong May 28 (2014) pagkatapos ng muling pagbibilang na si Ordanes ang tunay na nagwaging mayor noong May 13, 2013 halalan at dapat lamang maupo bilang tunay na halal ng bayan.

Agad naghain ang kampo ni Ordanes ng Motion to Execute Order noong May 29 at June 3 na kinontra ng kampo ni Vargas noong June 9.

Ngunit ipinairal ni Caballero ang kanyang desisyon na si Ordanes ang tunay na nanalo ng “plurality of eleven (11) votes” laban kay Vargas. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *