Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Barretto, masaya sa kanyang showbiz career

ni Nonie V. Nicasio

SINABI ni Julia Barretto na masaya siya sa nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career. Kahit may mga intriga sa kanilang pamilya, maganda ang buwena-manong project na pinagbidahan niya sa ABS CBN.

Isa rin si Julia sa hanay ng mga young stars na inaasahang hahataw nang husto ang career. Nabanggit din niyang marami siyang natutunan sa drama series niyang Mirabella na magtatapos na this week, July 4.

“I’m very happy, kasi iyong story itself e. Being able to play two roles for your launching project, that’s already a big thing. Kasi, it’s very challenging and it is my very first soap,” paliwanag ni Julia.

“I’m satisfied kasi feeling ko natapos naman ng maayos. Ang ratings ay nag-improve by the end, kumapit na rin ‘yung mga tao. So, I can say na kahit hindi siya tumagal ng one year or eight months, I’ve learned a lot from this show and there is nothing better than experience.

“Honestly kasi, para na rin itong preparation for the upcoming projects,” dagdag pa ng magandang aktres.

Hinggil naman sa napapabalitang extra closeness nila ni Enrique Gil na siyang leading man niya sa Mirabella, nilinaw ni Julia na magkaibigan lang daw sila ng actor.

“We’re just really good friends. We’re just close friends.”

Ayon pa sa young actress, nag-click daw kasi ang kanilang personality ni Enrique dahil marami silang similarities sa ugali.

“Kasi siguro, it’s just the personalities, we’re very much alike. Na nag-click lang ‘yung personalities namin, nag-jive. Pero for me, siguro naging close kami dahil parang pareho kami, parang siya ‘yung boy version ni Julia Barretto.

“I’m open to Quen (palayaw ni Enrique) because iyon ang pinaramdam niya sa akin na puwede akong maging open sa kanya. Kapag-open ako sa kanya, ‘I’m not going to judge her or anything,’ iyon ‘yung tipong tao si Quen.”

Sa isang panayam, nabanggit pa ni Julia ang kanyang pagpapahalaga sa mga tunay na kaibigan sa showbiz.

“In showbiz, different personalities iyan e. Kaya dapat extra-careful ka kasi hindi mo alam kung sino iyong may hidden agenda, kung sino iyong nagpapakatotoo.

“What I learned is when you found somebody who is real to you and is genuinely a friend of yours, you should not let that friend go anywhere. Hawakan mo na siya nang mahigpit, ganoon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …