Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica Panganiban, aminadong kasundo si John Lloyd sa inuman!

ni Nonie V. Nicasio

HINDI itinanggi ni Angelica Panganiban na nakaka-jamming niya sa inuman ang kasintahang si John Lloyd Cruz.

Sa panayam sa kanya ng idol kong si Anthony Taberna sa programa nitong Tapatan ni Tunying sa ABS CBN, sinabi ni Angelica na wala namang masama sa social drinking. Idinagdag pa ng aktres na wala naman siyang nakikitang hindi magandang ginawa si Lloydie mula sa pagiging manginginom.

“Ako kasi ang opinyon ko roon, hindi ko nakikitaan ng problema iyong pag-inom o iyong social drinking. Ang masama kung sumobra ka, may mga nangyayari nang hindi maganda, hindi ka na nakakapunta ng trabaho… hindi ka na nakaka-perform nang maayos.

“Hindi ko siya nakitaan ng ganoon,” esplika ng aktres.

Binigyang emphasis pa ni Angelica na wala silang sinasaktan o iniistorbong tao kapag sila ay nag-iinuman. “Kahit na uminom siya, wala siyang tinatapakang mga tao at ganoon din ako. Kaya siguro hindi kami naaapektuhan sa mga taong nagsasabi sa amin na, ‘Naku iyang dalawang iyan, lasenggo iyan.’ Kahit na siguro ano ang ipukol nila sa amin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …