ni Vir Gonzales
MAY mga nagtatampo pala kay Pokwang. Noong panahon daw nasa comedy bar pa lang ito ay simpleng-simple lang at palabati. Pero noong mabigyan ng break, parang lumabo ang kanyang mata. ‘Yung mga dating pinanggalingan n’ya like Music Box, parang nagbibisi-bisihan syang hindi matanggap ang inaalok.
May nagkomento, hindi dapat s’ya malunod sa isang basong tubig, wala nga makasagot noong tanungin, kung ang klik ba ang tambalan nila ni Zanjoe Marudo? Huwag muna daw Pokwang, maaga pa para malunod ka agad. Weder weder lan ‘yan, Day. Baka masalubong mo sila, pagbaba mo.
ALESSANDRA, ‘DI TAMANG NAKIKIPAGTARAYAN KAY MARIA
HINDI dapat makipagtarayan si Alexandra de Rossi kay Maricel Soriano sa pinagsasamahan nilang serye. Respetadong aktres si Maricel at matured sa kanya, dapat may respeto siya.
Si Meagan Aguilar lang, anak ni Freddie Aguilar ang babaeng lumaban sa magulang, sabi nga ng marami.
MONA LOUISE, TALENTADONG BATA
BATA pa si Mona Louise Rey, nine years old pa lang pero nakatutulong na sa magulang. Hiwalay ang parents niya, nasa Saudi ang daddy niya. Hilig ni Mona ang mag-artista.
Noong minsang magawi si Mona sa programa ni Willie Revillame, binigyan siya ng P10,000 noong makita ng actor/TV host. Nagandahan kasi sa kanya at hindi akalaing taga-GMA pala. Siyempre, naman hindi na binawi ang give kasi talaga ‘yon para kay Mona Louise.
May bago siyang teleserye sa GMA, ang BFF kasama si Jillian Ward. Magaling kumanta si Mona, lalo na kapag ang kinakanta ay ang Let it Go.