Tuesday , November 5 2024

Mag-utol na paslit, alagang aso patay sa karne ng pawikan (Tatay, 3 pa kritikal)

DALAWANG paslit na magkapatid ang hinihinalang nalason sa kinain na karne ng Pawikan sa Aroroy, Masbate.

Bukod sa dalawang paslit, nalason din ang ama ng mga namatay at dalawang kapatid pa na kumain din ng nasabing karne.

Sa ulat ng pulisya, binigyan umano ng kanilang kapitbahay ng karne ng pawikan ang mag-aama na kanilang inulam.

Pagkatapos makakain, nakaramdam na ng panghihina, pananakit ng tiyan, at pagsusuka ang dalawang namatay na sina Kimberly at Joel.

Isang oras pa ang makalipas, nanakit ang tiyan at nagsuka ang amang si Jose Bernales, at mga anak na sina Jella, Gerson at Jesebel.

Maging ang aso ng pamilya Bernales na nakakain din ng karne ng pawikan ay namatay.

150 KATUTUBO NALASON SA PACK LUNCH

HIGIT sa 150 mga katutubo mula sa walong sitio sa barangay Tablu, sa Tampakan, South Cotabato ang isinugod sa iba’t ibang pagamutan dahil sa food poisoning mula sa pack-lunch sa dinaluhang pulong.

Ayon kay Jimmy Baret, tribal leader ng B’laan community sa Sitio Kolondatal, bukod sa kinompirmang 120 katao na ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital at iba pang ospital na karamihan ay mga bata at matatanda patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga dinadala rito.

Ayon kay Dr. Conrado Braña, hospital director, nakararanas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagkahilo ang mga pasyente.

Napag-alaman kay Cecile Mancho, accounting clerk ng B’laan Foundation ng Barangay Tablu, nagpa-cater sila ng 200 pack lunch para sa idinaos na general assembly kaugnay sa Banlas project na dinaluhan ng mga tribal members mula sa Sitio Tucayman, Manisi, Batu, Crossing, Lagdik, Magga, Kolon Datal at Sitio Center ng Barangay Tablu.

Naglalaman ng pritong manok, itlog at kanin ang pack lunch na ipinamigay sa mga biktima na ngayon ay sinusuri na ng BFAD.

(Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *