ni Alex Datu
GUSTO na sana naming paniwalaan ang lambingan at halikan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isa sa mga kalsada ng New York ay genuine dahil totoo namang nagmamahalan ang dalawa. Kaya lang nang nakita namin sa ibang published photos na kasama ang manager ni Dingdong na si Perry Lansingan kaya nagduda kami at inisip na scripted ang nasabing eksena.
Sabihin na nating miss ng dalawa ang isa’t isa dahil may kanya-kanya silang show, kailangan pa bang kunan ang kanilang sweet moments lalo ang pakikipaghalikan habang nasa kalsada kung hindi ito iniutos ng kumukuha ng photos? Sabihin na natin na nagtagpo ang dalawa sa New York, maybe the least that they can do ay mag-holding hands o magyakapan pero sobra na ‘yung sobrang higpit ang yakapan at may lips-to-lips pa on a broad daylight. Sobra na ito at puwede itong mangyari for publicity.
But sorry to say, copy cat lang ang dalawa nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nagtukaan sa kalye noong gumawa sila ng pelikula sa abroad. Kung hindi kami nagkakamali, ito ang Kasal, Sakal, Kasali sa direksiyon ni Jose Joey Reyes.