Tuesday , May 13 2025

Dalaga sumagot nang pabalang tinarakan ng madrasta

SUGATAN ang isang 18-anyos dalaga matapos saksakin ng kanyang stepmom nang sagutin nang pabalang habang pinangangaralan kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Kinilala ang biktimang si Analiza Alintan, 18, ng Tulay Uno, Brgy. Daanghari. Siya ay naka-confine sa Tondo General Hospital dahil sa isang saksak sa kaliwang hita.

Kusang-loob naman sumuko ang suspek na si Donna Diodece, 38, sinasabing kinakasama ng ama ng biktima.

Sa ulat ni SPO1 Resty Castillo, may hawak ng kaso, dakong 2:00 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Kauuwi pa lamang ng biktima nang salubungin ng sermon ng kanyang stepmom.

Pero sinagot nang pabalang na ikinagalit nang husto ng suspek.             (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *