Monday , December 23 2024

Boracay waitress timbog sa tsinelas na may shabu

TIMBOG ang isang waitress na tulak ng shabu sa isang buy bust operation sa Sitio Bulabog, Barangay Balabag, Boracay.

Nakapiit na sa detention cell ng Aklan Provincial Police Office (PPO) ang suspek na si Nestle Estropegan, 20, residente ng Barangay Feliciano, Balete, Aklan at pansamantalang nakatira sa Sitio Ambulong, Barangay Manoc-Manoc, Boracay.

Ayon kay PO2 Joy Raot-Raot ng Boracay Tourist Assisstance Center (BTAC), nagpanggap na poseur buyer ang isang police asset at nang aktong iniaabot ang shabu ay agad inaresto ang suspek.

Bukod sa isang plastic sachet na shabu at P1,000 marked money, nakuha sa suspek ang 29 sachet ng shabu na may halagang P45,000 nang isagawa ang boxdy search.

Inamin ni Estropegan na kumukuha siya ng shabu sa Metro Manila at ipinapadala sa isang courier service na nakasiksik sa tsinelas ng bata.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.

(Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *