SI Agricultural secretary Proceso Alcala ang may pinakamalaking kinita sa hanay ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang taon.
Ito ay ayon sa lumabas na resulta ng pagsisiyasat ng Commission on Audit (CoA).
Sa report ng CoA kaugnay sa salaries and allowances, , lumalabas na P4.2 milyon ang kinita ni Alcala noong 2013.
Kasama na rito ang mahigit P1 milyon basic salary o sahod, P290,000 honorarya, mahigit P500,000 allowances, P1 milyon mga bonus, P300,000 indiscretionary funds, at mahigit P2 milyon ang sahod bilang chairman ng National Food Authority (NFA).
Dahil dito, sinimulan na ng DoJ na silipin ang kaso kung sangkot si Alcala sa pork barrel scam kasama si Budget Secretary Butch Abad.
Una rito, inakusahan si Alcala ng grupong Students and Youth Act ng paglalaan ng P75 milyon sa bogus na NGO.
Bukod sa nasabing kaso, sablay rin si Alcala sa kanyang pwesto dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng presyo ng bigas sa ating bansa.
Una rito, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III, tila may sabwatan sa bentahan ng produktong bigas kaya hindi mapigil ang pagtaas ng presyo.
Bukod sa mataas na presyo ng bigas, bawang at luya ay tumaas na rin ang presyo ng mga bilihin gaya ng itlog, gatas at asukal.