Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valerie, nag-aaral para sa BF doctor

062814 Valerie Concepcion

ni Roldan Castro

NAKATUTUWA naman na may bagong serye si Valerie Concepcion sa GMA 7. At least, hindi lang sa work happy kundi maging sa boyfriend niyang future doctor. Nakita na namin ito nang minsang masalubong namin sila sa isang mall at may hitsura ang naturang doctor.

Mukhang nakakasundo rin ng anak niyang si Fiona ang bf niya. Komportable si Fiona na sumama sa kanya at kahit silang dalawa lang ang mag-mall.

Paano kung  mag-propose na ito ng kasal?

“Agad-agad? ‘Di ba kapag ganoon, engagement lang naman muna. Right now, hindi pa. Next two to three years siguro,” deklara ni Valerie.

Gusto rin tapusin ni Valerie ang pag-aaral niya bago mag-asawa. Nag-enroll siya ng kursong Marketing sa AMA, Project 8. Gusto raw niya na maging proud ang anak niya na nagpilit siyang maka-graduate.Gusto niyang maging inspirasyon siya ni Fiona. Bukod dito, ayaw din niyang mapag-iwanan na magiging future doctor ang boyfriend niya at siguradong ang mga friend nito ay tapos din sa pag-aaral.

“Ayoko na mamaliitin ako even the family. Iba pa rin siyempre ‘yung nakapag-aral ka,” sambit pa niya.

Oo nga naman!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …