Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ulan, baha posibleng maulit — PAGASA

MAAARING maulit ang malakas na pagbuhos ng ulan kamakalawa pati na ang baha sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon kay PAGASA forecaster Manny Mendoza, huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 240 silangan sa Baler, Aurora.

Kabilang sa mga posibleng ulanin ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Bataan, Batangas, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija at Quezon.

Magugunitang libo-libo ang stranded kamakalawa ng gabi sa maraming lugar sa Metro Manila dahil sa baha, habang may mga mall at iba pang gusali na pinasok din ng tubig.  (HNT)

MAS MALAKAS NA LINDOL PAGHANDAAN

NAGBABALA ang isang senador na kailangan paghandaan ang maaaring maganap na mas malakas pang lindol sa bansa.

Ito ay kasunod nang naganap na lindol noong isang gabi sa ilang bahagi ng Luzon at naramdaman din sa Metro Manila.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, dapat lamang paghandaan ang posibleng pagtama ng 7.2 magnitude lindol lalo na at sinasabing hinog na ang tinatawag na Marikina Valley fault line.

Dahil dito, kailangan din paigtingin ng gobyerno ang earthquake preparedness dahil ang lindol ay magaganap nang walang warning o senyales.

Aniya, ‘pag naganap ang 7.2 magnitude lindol ay posibleng masira ang 40% residential buildings at posibleng 34,000 ang mamatay at 114,000 ang posibleng masugatan.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

Babala ng Phivolcs
MAYON POSIBLENG SUMABOG NANG NAPAKALAKAS

NAGA CITY – Tinungo ng mga tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon ang mga lugar na naapektohan nang pinakamatinding pagsabog ng Mayon Volcano sa Albay.

Ayon  kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, ito ay upang mapaghandaan ang posibleng maganap na napakalakas na pagsabog na muli ng nasabing bulkan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …