Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Priscilla, ‘di raw kayang maging close friend kay Janice

ni Ronnie Carrasco III

DALAWANG taon na pala ang anak ni John Estrada at ng kanyang Brazilian wife na si Priscilla Meirelles. Despite being a mother, Priscilla finds time pursue her local showbiz career.

Tulad na lang ng kanyang pagiging isa sa limang grand finalist sa showdown na mapapanood ngayong gabi sa Celebrity Dance Battle ng TV5.

Aminado si Priscilla na wala siyang formal dance lessons except for some grooves sa mga festival in her native Brazil. At nang mapadpad sa bansa, halos lahat na raw yata ng show ay nasayawan na niya.

But this does not make her overconfident na masusungkit niya at ng kanyang dancing partner ang P1-M grand prize, lalo’t hindi maaaring tawaran ang husay ng kanyang mga katunggaling sina Ciara Sotto, Iwa Moto, Rafa Siguion-Reyna, at Gary “El Granada” David ng PBA.

Samantala, hindi nakaligtas si Priscilla sa tanong if she sees herself reconciling her differences with John’s ex-wife na si Janice de Belen. Kung matatandaan, sa isang now-defunct showbiz talk show sa ABS-CBN na isa sa mga host si Janice ay nag-emote siya ng kanyang mga sama ng loob kay John, when the issue has already been buried a long time ago!

Sey ng Latina in the vernacular na pilit niyang binibigkas ng tama, “Kung barkada, okey lang pero para maging close friend ko siya, I don’t think so.”

Anyway, abangan kung sino ang kauna-unahang grand champion ng Celebrity Dance Battle ngayong 9:00 ng gabi hosted by Lucy Torres-Gomez with Semerad twins Anthony and David.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …