Monday , December 23 2024

PNoy muling nabiktima ng hecklers

NADESMAYA ang Palasyo nang muling maranasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paninigaw sa kanya ng apat na estudyante habang nagtatalumpati sa inagurasyon ng isang road widening project sa Iloilo City kahapon.                   Ito ang pangalawang insidente ng heckling sa Pangulo sa nakalipas na dalawang linggo, una ay kagagawan ni Ateneo de Naga psychology student Emmanuel Mijares sa Independence Day event sa Naga City.

”The President always makes it a point to be accessible to the people and one of them is through events such as the one in Iloilo. It is regrettable when some people try to lower the public discourse by merely engaging in shouting matches,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ngunit imbes mairita, pinasalamatan pa ni Pangulong Aquino ang apat na hecklers na mabilis na kinaladkad ng mga pulis palayo sa programa.

“Maraming salamat po sa kanila,” anang Pangulo sa apat na hecklers na sinundan ng palakpakan ng mga tao.

Nagtungo ang Pangulo sa Iloilo para pasinayaan ang multi-billion peso mega infrastructure projects sa lalawigan.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *