PISAK ang ulo ng isang pahinante matapos masagasaan nang tumalon mula sa sinasakyang trak matapos sabihin ng driver na nawalan ng preno kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City .
Patay agad ang biktimang si Jowersky Manrique, 18, ng Tibagan, Bustos, Bulacan, sanhi ng pagkalasog ng katawan at pagkapisak ng ulo nang maipit sa gulong ng trak.
Kusang-loob na sumuko sa pulisya ang suspek na si John Mark Espartero, 25, driver ng Mitsubishi- Fuso (PSA- 928), taga-Tabang, Guiguinto, Bulacan.
Naganap ang insidente dakong 1:35 a.m. sa Mc Arthur Highway, Brgy. Karuhatan, Valenzuela.
Ayon kay Espartero, sumigaw siya na nawalan sila ng preno kaya nataranta ang biktima at tumalon mula sa trak kaya nagasaan.
(ROMMEL SALES)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com