ni Ronnie Carrasco III
PERSONALLY, hindi kami kabilang sa mga laksa-laksang tagasuporta ni Nora Aunor dito at ibang panig ng mundo kung saan may mga Filipino, but we recognize her greatness as an actress.
Ang muling pagharang na parangalan si Ate Guy bilang National Artist (gayong naisapinal na ang paghirang sa kanya ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA) is not an issue about Dolphy (SLN) or Vilma Santos na isinusulong din ng kani-kanilang mga tagahanga.
Neither is this an issue about Nora’s personal life kesehodang nasasangkot siya sa maraming negatibong balita that tend to question her morality.
Rather this is an issue about Ate Guy’s body of work deserving of such recognition.
Ang problema kadalasan sa lipunang ito, naglipana ang sanrekwang moral hypocrites na magpa-self-righteous as though napakalilinis nila.
Anuman ang mga bisyong kinalulungan ni Ate Guy has no bearing on who she is as both a nationally and internationally acclaimed actress batay sa kanyang mga pelikula. Ilabas natin dito ang mga achievement nina Tito Dolphy at Ate Vi, but on Nora’s artistic merits alone.
Hindi rin ito tungkol sa umano’y panggagapang ni Kris Aquino na ipagkaloob ang parangal kay Dolphy by virtue of her friendship with his widow Zsa Zsa Padilla. To say that Kris can influence the decision of her brother is a grave insult to the sensibilities of President Noynoy.