Monday , December 23 2024

DoJ probe vs Alcala, Abad sinimulan na (Sa pork barrel scam)

UNTI-UNTI nang sinisimulan ng Department of Justice (DoJ) ang imbestigasyon laban kina Department of Budget Sec. Butch Abad at Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala kaugnay ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Ngunit tumanggi munang magbigay ng detalye si Sec Leila De Lima kung kailan ang pormal na pagsisimula dahil dumadaan pa sa vetting process ang mga listahan at affidavit na ibinigay ng binansagang “pork barrel queen” na si Janet Lim-Napoles.

Magugunitang idinawit ni Napoles ang dalawang opisyal na sinasabing nakinabang sa paggamit ng Priority Development Assistanc Fund (PDAF) ng mga mambabatas upang ilagak sa mga bogus na NGOs ng negosyante.

Sinasabing si Abad pa ang nagsilbing mentor ni Napoles upang turuan kung paano gawin ang scam.

Sa ngayon, dinedetermina ng DoJ sa kanilang vetting process kung may sapat bang basehan at ebidensiya ang pag-aakusa ni Napoles bago ito irekomenda sa Ombudsman.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *