HINDI pwedeng ibatay lang sa drawing ang pag-aangkin ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang bwelta ng Palasyo sa inilabas na bagong mapa ng China na kasali na ang pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea na halos umabot na sa Palawan.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kahit may sinasabing batayan sa kasaysayan ang China sa paggawa ng bagong mapa, naigpawan na ito nang umiiral na United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na kailangang igalang ng lahat ng mga lumagda rito, kabilang na ang China.
“Kahit naman isinagawa nila ‘yan, patuloy pa rin naman tayo sa ating adhikain na kinakailangang maging mapayapa at alinsunod sa mga prosesong diplomatiko at legal ang dapat na umiral sa mga usaping ‘yan,” ani Coloma.
Hanggang ngayon ay nakabinbin sa arbitral tribunal ng UNCLOS ang hirit ng Filipinas na ideklarang illegal ang pag-angkin ng China sa mga islang bahagi ng teritoryo ng ating bansa.
ni ROSE NOVENARIO