Monday , December 23 2024

Tiwaling emission testing center imbestigahan

NAALARMA si Senador Bam Aquino sa ulat na ilang emission testing centers ang sabit sa illegal na aktibidad tulad ng non-appearance o ghost testing ng mga sasakyan kapalit ng dagdag na bayad.

“May mga ulat na hindi tinutupad ng pribado at pampublikong emission testing center ang kanilang tungkulin sa batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling emission compliance certificates (ECCs),” wika ni Aquino.

Kaugnay nito, naghain si Aquino ng resolusyon upang tingnan kung nakatutupad ang mga emission testing center sa pagbibigay ng ECC bilang requirement ng Land Transportation Office bago irehistro ang isang sasakyan.

Ayon kay Aquino, dahil sa illegal na gawain ng ilang testing center, nababalewala ang Republic Act 9749 o ang Philippine Clean Air Act, na ipinasa noong 1999 upang mapanatili ang kalidad ng hangin at protektahan ang publiko sa panganib ng polusyon.

Sa ilalim ng Clean Air Act, itinatag ang National Motor Vehicle Inspection and Maintenance Program upang itaguyod ang epektibo at ligtas na takbo ng mga sasakyan at tiyaking nababawasan ang usok na binubuga ng mga ito.

Bilang bahagi ng programa, kailangan sumailalim ang mga sasakyan sa inspeksiyon at maintenance bilang requirement bago makapag-renew ng rehistro. Kailangan din ng mandatory inspection upang matukoy kung nakasusunod sa emission standards.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *