Wednesday , December 25 2024

Tates at mga anak ni Bistek, back to normal

ni Nene Riego

NANG makausap namin si Madam Tates Gana’y sinabi niyang ayos na ang kanilang pamilya lalo’t tapos na ang maintrigang relasyon ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista kay Kris Aquino na umano’y si Derek Ramsay ang flavor of the month ngayon.

“Wala ng tampo sina Athena at Harvey sa kanilang Papa. Habang nasa States kami’y pinaliwanagan ko ang mga anak ko na ‘di maiiwasang maugnay ang kanilang ama sa ibang babae dahil bukod sa may posisyon, matikas, bata at may hitsura pa siya. One big happy family na uli kami,” Tates said.

Kung siya lang naman ang tatanungi’y wala ‘yon sa kanya dahil alam niyang lilipas din ang romansa (gaya ng ibang relasyon ni Kristeta). Ang mga anak lang ang naapektuhan kaya ibinakasyon niya sa States na naroon ang mga kamag-anak niya.

Two months siyang nawala kaya halos malula siya sa mga naipong papeles sa kanyang opisina sa Anonas Road, Kyusi na dapat niyang basahin at pirmahan. Public service ang hinaharap ni Tates dito lalo na para sa livelihood program ng mga constituent ni Mayor Bistek. Hindi ito branch ng Mayor’s office, by the way.

Wala na ngang dapat ipag-alala sina Athena at Harvey. Nagbitaw ng salita si Kristeta na, ”Ang next boyfriend ko’y dapat may abs (or using the word colloquially-”pandesal”).” At wala nito si Bistek. Mayroon naman nito si Derek.

Baguhang artista na nagwagi ng award, ‘di na bago

PARA sa ami’y ‘di naman ngayon lang nangyari sa isang award-giving event na isang ‘di kilala o bagong artista ang tumalo sa mga batikan at mas popular sa kanya.

Tulad ng nangyari kay Angeli Bayani na tumalo kina Vilma Santos, Nora Aunor, at Eugene Domingo sa katatapos na Urian Award.

Sa unang pelikula niyang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay nakuha ni Christopher de Leon angBest Actor Award. Nagka-award din ang bagitong si Bembol Roco sa Maynila, Sa Kuko Ng Liwanag. Ganito rin si Katherine Luna na bida sa Ang Babae sa Breakwater. Ang mga co-nominee nila’y seasoned actors na popular.

Pruweba ito na ang bigayan ng awards ay ‘di base sa popularidad ng artista o pagiging box office hit ng kanilang pelikula. May magkakaibang panuntunan ang Famas, Urian, Star Awards, Golden Screen, atbp..  Kaya, magkakaiba rin ang kanilang ginagawaran ng parangal.

Kung main stream projects ang pasok sa ibang award-giving sectors, binibigyan ng equal chances ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang independent o “Indie” films… kumbaga, equal ang pagtingin nila sa malalaki at maliliit na pelikula. Walang David at walang Goliath. May pagkakataong magwagi ang pinakamagaling o natatangi.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *