ni Nene Riego
NAPANOOD namin ang Aquino At Abunda Tonight (we always watch it basta nasa bahay kami) na ang topic na pinag-usapa’y ang National Artist Awards.
Matapos ang halos isang taong pagtanggap ng mga nominasyon (sa mga katangi-tangi sa iba’t ibang larangan ng sining) at pagsusuri ay ipinapasa ng National Artist Commission ang kanilang nahirang sa Office of the President. Meaning, ang Pangulong PNoy ang may karapatang magbigay ng final na listahan.
Tama si Kristeta sa pagsasabing, dapat ay sa isang alagad din ng sining ipasa ang rekomendasyon.”Masyado nang maraming ginagawa ang Presidente. Additional task lang ang pagpili ng National Artist.”