ni Ronnie Carrasco III
PARA maprotektahan ang kanilang respective career interests ay mukhang isang unspoken/unwritten policy ng isang network na huwag nang kalkalin pa ang nakaraan ng magdyowang ito. Kung sabagay, back then nga naman ay mga virtual da who sila who slowly made names for themselves much later.
Hindi nga naman makatutulong sa kanilang karir pareho ang maungkat pa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa to the point na kahit sa sala ay talo-talo na, mairaos lang ang kanilang masidhing sekswal na pagnanasa.
Da who ang mga sikat nang magdyowang ito noon na saksi ang malambot na sofa sa kanilang “quickiness”? Itago na lang natin sila sa mga alyas na Henry Markova at Rowena Mariveles.