Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, na-inlove kay Ejay

ni Pilar Mateo

SUSUBUKAN naman ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ang kemistri nina Shaina Magdayao at Ejay Falcon sa pagtatambal nila sa episode nito sa darating na Sabado, June 28, 2014 sa ABS-CBN.

Gagampanan ni Shaina ang karakter ni Berna, isang mayamang honor student na nangarap makatuluyan ang isang lalaking magbibigay sa kanya ng mas masaganang buhay. Ngunit nang magtapos siya sa kolehiyo, nahulog ang loob niya sa isang gwapo at masipag na konduktor ng jeep na si Mark (Ejay). Mapipigilan ba ang puso na umibig sa isang taong malayo sa iyong inaasahan?

Tampok din sa nasabing episode sina Sheryl Cruz, Gerald Madrid, Cris Villongco, Almira Muhlach, Ron Morales, Matet de Leon, Melai Cantiveros, Wendy Tabusalla, Carlo Romero, KitKat, at Vandolph Quizon. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Eric Quizon at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario. Huwag palampasin ang ”Natatanging Dulang Pantelebisyon” ng 2014 Gawad Duyan Media Awards, MMK, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Speaking of Gerald Madrid, happy muli ang “binata” dahil sa magaganda na namang pagkakataong nagbubukas sa pag-aabala niya sa mga guesting ngayon.

“Bumalik din ako sa paga-aral ko. Gusto ko talaga kasing makatapos, Ate. Kaya ‘am taking up Customs Administration para mas maging maayos din ako kung maisip ko na magbukas ng business in the future.”

May mga pelikula na ring ginagawa si GE na ang sa isa eh, kasama pa niya ang one and only Superstar.

“Blessed. Privileged. Sabi ko nga kung kailan nag-aral ako, at saka dumarating ang mas maraming pagkakataon uli sa career ko. Kaya tuloy-tuloy pa rin tayo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …