ni Vir Gonzales
ISANG araw nabulabog ang Escolta nang mag-shooting ang nag-iisang Superstar Nora Aunor. Napansin naming parang nagbalik gunita ang director ng Hustisya, si Direk Joel Lamangan.
Minsan din niyang naranasang mamalagi sa naturang lugar. Karamihan doon ang movie outfit na gumagawa ng pelikula, tagpuan din ng mga artista, director, mga stuntman at mga crew.
Hindi lang namin masyadong napansin ang pagdating ni Rocco Nacino, gumaganap bilang abogado sa said movie pero nadinig naman sa kuwentuhan ng mga nakapanood, pinagpawisan si Rocco dahil naka-eksena si Nora. Nataranta nga raw si Rocco, kaya’t medyo nakapag-alsa boses si Direk Joel.
Knowing Direk, ayaw niyang hindi nasusunod ang mga gusto niyang gawin ng mga artista niya. Perfect naman noong ulitin ni Rocco. Hindi akalain ni Rocco na Direk Lamangan na, Nora Aunor pa ang makakatrabaho niya.
Hindi kompleto ang pag-aartista ng isang taga-showbiz, hangga’t hindi nakakasama ang superstar.