NAGLAHO ang P150,000 savings ng isang doktor makaraan ma-withdraw mula sa kanyang Automated Teller Machine (ATM) card ng hindi nakikilalang “hacker” sa tatlong magkakahiwalay na petsa sa Maynila.
Kinilala ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS) ang biktimang si Rafael Chan, 41, ng 531 Asuncion St., Binondo, Maynila, inireklamo ang pagkawala ng kanyang pera sa ATM.
Aniya, nitong Hunyo 18, nabatid niyang nawala ang kanyang P150,000 ipon nang ipa-verify ang kanyang ATM sa Land Bank malapit sa SM Manila.
Nabatid ng biktima, naganap ang hindi awtorisadong withdrawals sa kanyang ATM noong Hunyo 3, 4, at 5 sa halagang P50,000 bawat withdrawal na ginawa sa iba’t ibang ATM machines.
Mula sa dating P234,171.18 na laman ng kanyang ATM ay P84.171. na lamang ang natira. (L. BASILIO)