Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nag-mature si Alwyn sa Beki Boxer

ni Nene Riego

INAMIN ng magaling na young actor na si Alwyn Uytingco na dahil sa matinding trabahong iniatang sa balikat niya bilang title holder sa serye ng Kapatid Network na umeere mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 7:00 p.m. tila biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay.

“Biglang naging seryoso ako sa trabaho. Naging professional ako in the real sense of the word. Nakakahiya, kasi. Tila ang success o failure ng seryeng ‘Beki  Boxer’ ay sa ’kin isisisi.  At awa ni Lord, magaganda naman ang comment sa ’kin ng manonood at nagkaroon pa ito ng trending sa social media,”  sey ni Alwyn na isang baklitang boksingero ang papel sa dramedy (dramatic comedy) with Christian Vasquez, Candy Pangilinan, Ryan Yllana, John Regala, Claire Ruiz, atbp..

Siyempre, naapektuhan ang love life niya dahil bihira silang magkasama ng dyowang si Jennica Garcia ngayon. ”Mabait si Jen.  Kung magkasama kami, she believes na mas importante ang quality time … ‘yung magkasama kami sa pagdalo sa religious services ng aming church, magkatulong kami sa on line business niyang cookies at ibang party goodies para sa tao at alagang pusa o simpleng kumakain lang sa labas,” dagdag ng binata.

Isa pang ikinatuwa niya’y ang pagkakaroon ng magandang katawan (with matching abs!) dahil sa kapapraktis niya ng boksing, kickboxing, taekwando at wrestling. Sa tingin nga nami’y mamang-mama na ang dating niya ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …