Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa todas sa fish vendor

KAPWA nalagutan ng hininga ang mag-asawa nang pagsasaksakin ng fish vendor nang magtalo kaugnay sa mahal na presyo ng isda kamakalawa sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon.

Namatay habang ginagamot sa Vicente Peralta Memorial Hospital ang mga biktimang sina Romeo at Wilma Legazpi, residente ng Brgy. Macalaya ng nabatid na bayan.

Samantala, nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Edgar Magdaong, 44, residente rin ng bayan.

Sa impormasyon mula sa Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente 10 a.m. sa palengke ng bayan.

Sinasabing nagtanong ang mga mag-asawa hinggil sa presyo ng panindang isda ng suspek pero namahalan sa presyo nito.

Kinuwestiyon ng dalawa kung bakit napakamahal ng mga isda ng suspek na humantong sa pagtatalo.

Habang nagtatalo, kinuha ng suspek ang kutsilyo saka binurdahan ng saksak ang mag-asawa.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …