ni Alex Brosas
NAG-SORRY na si Jane Oineza kay Kathryn Bernardo nang mag-face off sila sa Bahay ni Kuya.
Nang matanong kasi si Jane kung nagparetoke si Kathryn ay nag-no comment ang dalaga kaya naintriga siya. Ang no comment kasi ay equivalent sa yes.
Nagwala ang fans nina Kathryn at Daniel Padilla dahil dito at talagang binash nang husto si Jane sa social media. Naging isang malaking issue ito at pinag-usapan talaga sa internet.
And since pinapasok na sina Daniel at Kathryn sa Bahay ni Kuya para isalba ito sa naghihingalong rating ay natural lang na itanong ni Kuya ang tungkol sa damdamin ni Kathryn nang mag-no comment si Jane. Nag-sorry na rin si Jane kay Kathryn who immediately forgave her and said, ”maging extra careful ka next time.”
Actually, hindi rin naman nabawasan ang paghanga ng kanyang fans kay Kathryn kahit na umingay ang chismis na nagparetoke siya. Wala naming nabawas sa pagkatao ni Kathryn dahil sa chismis, popular pa rin naman siya at ang love team niya kay Daniel ang pinakamainit.
Actually, Kathryn is the hottest teen star, si Daniel naman ang kanyang male counterpart.