Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, payag na mag-abay si Alex Jazz kay Patrick

 

ni Pilar Mateo

ANG puna agad ng mga nakaharap niya sa launch niya bilang laser lipo arms endorse ngBelo Medical Group, siya umano ang sinasabing pinaka-magandang endorser ng nasabing aesthetics clinic.

Reaction ng aktres na si Jennylyn Mercado?

“Hindi naman po. Biased lang ang nagsasabi niyan.”

Mamamangha ka naman talaga sa kaseksihan ngayon at blooming na hitsura nito. Kakabit na ba nito ang balita tungkol sa non-showbiz boyfriend niya?

“Wala akong boyfriend now. Kasi, ayoko pa. Ngayon ko nga lang naa-appreciate what it’s like to be single. Kaya ang focus ko sa anak ko, family and career.”

Naka-move on na, yes. May masasabi raw ba siya sa balitang nagbabalak na sina Luis Manzano at Angel Locsin na lumagay na sa tahimik?

“I don’t wanna comment about that. Hindi naman ako kasali sa kanila. Yes, I wish them well. ‘Yun lang.”

But when it comes to the father of her Alex Jazz or AJ na si Patrick Garcia, she wouldn’t mind din daw kung hindi siya padalhan nito ng invitation to his wedding.

“Kung may ipapadala, why not? Tatay siya ng anak ko. If he’ll ask AJ to be their ring bearer, why not, wala namang problema.”

Kung wala raw pinapagandahan at pinapaseksihan ngayon si Jen, bakit ang sipag-sipag daw nitong asikasuhin ang kanyang mukha at katawan?

“Napansin ko lang kasi ang daming maliit sa ‘kin—katawan, bewang, mukha. Kaya napapansin ko ‘yung arms ko tapos ‘yung sa parteng likod karamihan sa atin ‘di ba when we wear or undergarments talagang may uumbok ba parang taba. Kaya sabi ko kay dra. Vicki (Belo) I need help. Para naman ‘yun sa well-being ko at ‘di naman dahil sa may gusto lang ako pormahan.”

Pero sa true nga, mukhang may nag-i-inspire ngayon sa aktres na ayaw pa lang nito i-reveal!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …