ni Nene Riego
MISMONG sa bibig ng personal make-up artist ni Gob. ER Ejercito na si Virgie ay nalaman naming gagawa ng pelikula ang mabait niyang Bossing na ayon sa Comelec ay nag-overspending noong kampanya kaya pinababa sa puwesto sa Laguna.
Plano raw ni Gob na paggawa ng pelikula ang seryosong harapin habang “nakabakasyon” siya. Hindi lang para sa Metro Manila Film Fest gaya ng Hari ng Tundo at Aguinalado kungdi talagang on a full time basis. Aba’y okey ‘yon. Maraming artista at iba pang taong behind the cameras ang magkakaroon ng trabaho.
Mainstream at big budget movies ang plano niyang i-produce. Mga malalaking artista ang kasama sa cast at mga de kalidad na direktor ang hahawak. Pang-global pa, talaga. At maraming members na media (radio, print, blog and TV) ang matutuwa dahil basta nagpatawag ng press conference si ER George Estrada Ejercito’y walang umuuwi ng luhaan. Everybody happy. Palakpakan natin si Gob!