Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 obrero niratrat sa tagayan (Anak ‘di natagpuan)

KAPWA nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ng dalawang obrero makaraan pagbabarilin ng isang kalugar na hinahanap ang nawawalang anak sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang mga biktimang sina Sonny Ramos, 45, tinamaan ng bala sa tiyan, at Wilfredo Dela Cruz, 42, tinamaan ng bala sa balakang, kapwa residente ng 34 Merville Subd,. Brgy. Dampalit ng nasabing lungsod.

Habang pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Joel Ofgueria, nasa hustong gulang, ng Peoples Village, Merville Subd. ng nasabing barangay, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 10:10 p.m nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.

Nag-iinoman ang mga biktima nang dumating ang suspek na galit na galit at hinahanap ang kanyang anak na isang Jim ngunit hindi niya natagpuan.

Kinantiyawan ng mga biktima ang suspek na huwag nang hanapin ang anak dahil binata na ngunit ikinagalit ni Ofgueria.

Umalis ang suspek ngunit nang bumalik ay armado na ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …