TUTOL ang liderato ng Senado sa panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso na tanggalin sa Department of Justice (DOJ) ang Witness Protection Program (WPP) at ibigay sa lower courts.
Binigyang-diin ni Senate President Franklin Drilon, mahalagang mananatili sa DoJ ang WPP dahil bahagi ito ng tungkulin ng pangunahing prosecution-arm ng gobyerno para bigyan ng proteksyon ang mga testigong malaki ang papel para makamit ang hustisya. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)