Monday , December 23 2024

P637.8-M illegal drugs sinunog ng PDEA

062614 pdea shabu drugs

IPINAKIKITA sa media nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr.; Exe-cutive Director, Dangerous Drugs Board, Undersecretary Jose Marlowe Pedregosa, at Congressman Jeffrey Ferrer ng 4th District Negros Occidental, ang pagsunog sa P637.8 million illegal drugs, nakompiska sa buong bansa, sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite.  (RAMON ESTABAYA)

UMAABOT sa P637.8 milyon halaga ng mga nasabat na illegal drugs ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite kahapon ng umaga.

Ayon kay PDEA spokesperson Derreck Carreon, kabilang sa kanilang sinunog ang nasa 386.08 kilo ng iba’t ibang klase ng droga na binubuo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, ephedrine, cocaine, marijuana, ecstasy, valium, oxycodone at mga expired na gamot.

Isinagawa ang pagsunog ng nasabing mga droga sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

“These are part of the illegal drugs that were seized during operations conducted by PDEA combined with those turned over by other partner drug law enforcement agencies that are no longer needed as evidence in court,” ito ang pahayag ni PDEA director General Arturo Cacdac, Jr.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *