Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michelle Gumabao, iiwan na ang sports para umarte

050514 michelle gumabao

ni James Ty III

NGAYONG nakalabas na siya sa Pinoy Big Brother All In, hindi na mapipigil pa ang pagpasok ng dating housemate na si Michelle Gumabao sa showbiz.

Tutal, anak ng aktor na si Dennis Roldan si Michelle at sa kanyang ganda at tangkad ay talagang swak na swak siya sa pag-arte o pagiging host.

Noong Linggo ay na-evict si Michelle sa Bahay ni Kuya at kitang-kita sa kanyang mukha na masaya siya sa pag-alis doon dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya kamakailan tungkol sa nude painting session na humantong pa sa pag-sermon ng MTRCB sa reality show.

Bago siya sumali sa PBB ay sandaling naging host si Michelle sa isang sports program sa GMA News TV Channel 11 at sinubukan niyang maging TV analyst ng Shakey’s V League ng estasyon.

Pero tila hindi nakatiis si Michelle sa kanyang dating ginawa kaya nagdesisyon siyang maging housemate para mapabilis ang pagpasok sa showbiz.

Sa kasaysayan ng PBB ay naging daan ito para makapasok ang mga dating housemates sa showbiz kaya umaasa si Michelle na susuwertehin siya tulad nina Sam Milby, Kim Chiu, Gerald Anderson , at Sam Pinto.

Sa paglabas ni Michelle mula sa PBB, hindi kami magugulat kung hindi na siya babalik bilang volleyball player ng AirAsia sa Philippine Super Liga dahil sa totoo lang, maliit lang ang bayad ng mga volleyball player kompara sa mga basketbolistang tulad nina James Yap na naglalaro ngayon sa PBA.

Tingnan natin sa mga susunod pang mga buwan kung ano ang susunod na plano ni Michelle sa buhay. Good luck na lang sa kanya kung nais niyang maging bahagi ng Star Magic at subukan niyang sundan ang yapak ng mga dating sikat na housemates.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …