KUNG papangalanan ang mga persistent blind item tungkol sa isang pasaway na aktres, kulang na lang tukuyin ito bilang si Maricel Soriano.
Pagiging late sa set ang kadalasang ipinagsisintir ng production staff ng soap na kinabibilangan niya ngayon. At huwag mo siyang mamadaliin para isalang sa mga eksena, or else she’ll stage a walkout!
Kilalang palabiro na idinadaan sa kabaklaan si Maricel. Kumbaga, superficial o mababaw lang ang kanyang pagtataray.
But whether or not her mataray behaviour is intended for purposes of amusement, this does not speak well of an actress her stature na binigyan ng pagkakataon at tiwalang ma-resuscitate ang kanyang TV career that slipped into coma.
Sort of a recycled artist nang mapadpad sa GMA mula sa ABS-CBN over a TV project that fizzled out, dapat ay may aral nang natutuhan si Maricel. As we speak now, program contract pa lang ang pinirmahan niya sa GMA.
Sa nababalitang unprofessionalism niya, does she think that there’s still life after her current soap?