Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ashley Rivera, magpapa-sexy sa ASAP

062614 Ashley Rivera

ni James Ty III

TATLONG linggo nang napapanood sa ASAP 19 ang dating FHM cover girl na si Ashley Rivera.

Kasama si Ashley sa ilang mga sexy star ng Dos na nagsasayaw tuwing Linggo sa noontime show.

Bukod kay Ashley, kasama rin sa pagsasayaw sa ASAP sina Cristine Reyes, Bangs Garcia, at Meg Imperial.

Balak ng Dos at ng Viva Entertainment na magtayo ng grupo na kinabibilangan nina Ashley, Cristine, Bangs, at Meg para sumayaw at kumanta linggo-linggo sa ASAP.

Nakakontrata ngayon sina Bangs, Meg, at Cristine sa Viva na tumutulong sa Dos para sa mga artistang kasama sa ASAP na patuloy na tumataas ang rating habang ang kalaban nitong Sunday All-Stars ng GMA ay lalong bumabagsak.

Katunayan, tuwing 1:45 na ng hapon nagsisimula ang Sunday All-Stars pagkatapos ng weekend marathon ng My Love from the Star, patunay na walang direksiyon ang programming ng Siete ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …