NAHAHARAP sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman si Agriculture Sec. Proceso Alcala kaugnay sa pork barrel fund scam.
Ayon sa grupong Youth Act Now, hindi dapat matapos sa pagsasampa ng kaso kina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang pork barrel scam.
Giit ng grupo, hindi maaaring makaligtas sa kaso ang mga katulad ni Alcala, dahil lamang sa pagiging ka-alyado niya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
“We filed a complaint for plunder against Agriculture Secretary Alcala. Lahat ng sangkot dapat managot. Malacañang is obviously sparing its allies from investigation,” wika ng naturang grupo.
Sa panig ng Malacañang, iginiit nilang walang exempted sa kaso.
Katunayan, may ilan na anilang nasampahan ng reklamo kahit kaalyado ng Malacañang, katulad na lamang ni dating Muntinlupa Rep. Rufy Biazon.