ARESTADO ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng iba’t ibang uri ng baril at bala sa pagsalakay ng mga operatiba ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) sa kanyang bahay sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Onotan Tunday Barabadan, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.
Ayon sa ulat ng pulisya, sinalakay ang bahay ng suspek dakong 7 a.m. kamakalawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pamular ng Regional Trial Court, Branch 32.
Narekober sa bahay ng suspek ang dalawang military fragmentation hand granade (MK72); isang 5.56 caliber rifle at mga bala nito; 40 caliber pistol at 13 long magazine assembly nito; 3 short magazine assembly para sa caliber 5.56 2; bala ng 50 caliber; 16 bala ng 40 caliber; 2 magazine assembly ng caliber 45; 50 bala ng 45 caliber; 91 bala ng caliber 7.62; isang balisong; isang magazine assembly ng caliber 45; isang long magazine assembly para sa caliber 5.56, at dalawang lisensiyadong baril na nakapangalan sa suspek.
(DAISY MEDINA)