Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TnT hihirit pa uli sa San Mig

NAIS ng San Mig Coffee na tapusin na ang Talk N Text at umiwas sa rubber-match Game Five.

Kaya naman tiyak na buo ang konsentrasyon ng Mixers papasok sa Game Four ng best-of-five PLDT Home Telpad PBA Governors Cup semifinals, ito’y mamaya at hindi sa Biyernes.

Kaya naman itotodo na ng Mixers ang lakas nila kontra Talk N Text sa Game Four ng serye mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nabigo ang Mixers na walisin ang Tropang Texters nang sila’y matalo sa Game Three, 112-86 noong Miyerkoles. Nanalo ang Mixers sa Game One (97-93) at Game Two (93-85).

Malamya ang naging laro ng Mixers noong Lunes at dalawang locals lang ang nagtapos nang may double figures sa scoring. Ito’y sina Peter June Simon (18) at Joe de Vance (11).

Ang import na si Marqus Blakely ay nalimita sa walong puntos lamang.

“Closing out is really the most difficutl part of a series. We were so relaxed in Game Three. We hope to play with more intensity and really close it out in Game Four.”

“We just avoided being swept. We hope we can do it again and return on Friday,”   ani Talk N Text coach Norman Black,

Nakagawa ng tamang adjustments si Black at ginamit ang lahat ng kanyang manlalaro sa Game Three.

“A ten-man rotation did not work in the first two games. We had to do something different.   All the players i called on responded well,” ani Black. “San Mig still has the advantage but we hope to put pressure on them.”

Pinangunahan ni Ranidel de Ocampo ang Tropang Texters nang gumawa siya ng 24 puntos. Limang iba pang manlalarong TNT ang nagtapos nang may double figures sa scoring .Si Jayson Castro ay may 14, si Danny Seigle ay may 13 samantalang ang import na si Paul Harris ay may 12. Nagdagdag ng 11 si Jimmy Alapag at 10 ang reserbang si Elmer Espiritu.

Sa kabuuan, maganda ang shooting ng Talk N Text na gumawa ng 14 sa 32 triples (43.75 pct.) at 42 sa 83 field goals (50.6%). Sa kabilang dako, ang San Mig ay gumawa ng pito sa 24 triples (29.6 pct.) at 30 sa 77 FG (39 pct.).

Ang magwagwagi sa seryeng ito ay makakalaban ng mananalo sa kabilang serye sa pagitan ng Alaska Milk at Rain or Shine sa best-of-five championship round na magsisimula sa Hulyo 1.

ni SABRINA PASCUA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …