SAYANG dahil hindi na matutuloy ang makulay na relasyon nina Q.C Mayor Herbert Bautista sa Presidential sister na si Kris Aquino.
True! Matimbang pa rin kasi ang pagmamahal ng ama sa anak lalo na’t may mga katangian na hindi pwedeng ipagwalang bahala ng magulang.
Eh, ang mga anak ni Mayor Herbert sa mga babaeng minahal pero walang pinakasalan ay matatalino, mababait, bibo, showbiz ang mga makikita sa mga bagets. Kasi mahirap namang iwanan ang mga batang katulad nina Athena at Harvey.
Kilala ko na si Harvey na uma-appear sa Goin’ Bulilit. At saka baka ma-karma si Mayor Herbert kapag iniwan niya ang mga anak. Pero gusto ko pa naman ‘yung tambalang Bistek-Kris.
Anyway, siguro hindi talaga sila para sa isa’t isa. Just wait, Kris. May darating para sa ‘yo at gift from heaven!